
May pre-Halloween treat ang GTV para sa mga horror fans ngayong weekend. Mapapanood kasi ang The Nun, na bahagi ng hit horror film series na The Conjuring.
Kuwento ito ng imbestigasyon ng isang pari na may madilim na nakaraan at ng isang babaeng malapit nang maging madre tungkol sa trahedya na nangyari sa isang abbey sa Romania.
Alamin ang matutuklasan nila sa The Nun, October 8, 7:00 p.m. sa G! Flicks.
Para naman sa fans ng period action flicks, nariyan ang The Last Tycoon, starring Chow Yun-Fat.
Bibigyang-buhay niya rito ang kuwento ng real-life gangster na si Chen Daqi na umangat sa kapangyarihan sa gitna ng nagbabantang digmaan.
Tunghayan ang The Last Tycoon sa October 9, 10:35 p.m. sa The Big Picture.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.