
Isang nakakakilabot na horror movie ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Huwag palampasin ang Lila, starring Janine Gutierrez.
Gaganap siya rito bilang Jess, isang babaeng magpapakalayo sa kanyang pamilya para takasan ang kanyang nakaraan.
Suwerte siyang makakahanap ng magandang bahay na mabait na landlady.
Pero nang may matagpuang lumang diary si Jess sa kuwarto niya, sunod-sunod na ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa paligid niya.
Abangan ang Lila, October 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Napapanahon naman ang pelikulang Babagwa na pingbibidahan nina Alex Medina at Alma Concepcion.
Tungkol ito sa talamak na paggamit ng pekeng social media profiles para sa mga love scam.
Si Alex ay si Greg, isang scammer na nakikipag-chat kay Daisy, na karakter naman ni Alma.
Magdadalawang-isip si Greg na ituloy pa ang panlilinlang dahil tunay na nahuhulog na ang loob niya kay Daisy.
Abangan ang Babagwa, October 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.