
Dahil malapit na ang Halloween, ilang spooky horror films ang hatid ng digital channel na I Heart Movies para sa inyo!
Huwag palampasin ang 2012 Indonesian-Filipino horror action film na The Witness, October 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Pinagbidahan ito ni Gwen Zamora na gaganap bilang Angel, isang hotel manager na kalilipat lang mula Manila patungong Jakarta.
Siya rin ang tanging survivor sa isang massacre na kumitil sa buhay ng kanyang buong pamilya, kasama na rin ang kanilang maid at security guard.
Magsisimulang makita ni Angel ang aparisyon ng kanyang kapatid at itinuturo nito kung sino ang pumatay sa kanila.
Abangan din ang 2019 psychological horror na Banal, tampok sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Andrea Brillantes, Taki, and Kim Last.
Kuwento ito ng isang barkada na magha-hiking sa isang sagradong bundok matapos mabalitaan na makakatanggap ng isang himala ang sinumang makarating sa tuktok nito.
Pero sa pagpunta nila dito, mapapaligiran sila ng mga 'di maipaliwanag na panganib.
Tunghayan ang Banal, October 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.