Article Inside Page
Showbiz News
Very proud sina Ricky Lo, Lolit Solis, at Butch Francisco, hosts ng
Startalk TX, sa narating ng kanilang 17-year old showbiz talk show. Sa official photo shoot para sa kanilang anniversary celebration, nakapanayam ng GMANetwork.com ang mga batikang hosts na ito, where they shared their personal wishes at ang dahilan kung bakit tumagal ang
Startalk ng labimpitong taon.
Very proud sina Ricky Lo, Lolit Solis, at Butch Francisco, hosts ng
Startalk TX, sa narating ng kanilang 17-year old showbiz talk show. Sa official photo shoot para sa kanilang anniversary celebration, nakapanayam ng GMANetwork.com ang mga batikang hosts na ito, where they shared their personal wishes at ang dahilan kung bakit tumagal ang
Startalk ng labimpitong taon.
Ayon kay Ricky Lo, ang pagiging positive ng show ay isa sa mga dahilan ng pamamayagpag nito. “It’s a show that is very positive. Maski ang mga tinatalakay na issues ay seryoso, hindi offensive. At masayang kasama si Lolit, si Joey, si Butch, and the whole staff, the people involved in it. Talagang maganda ‘yung samahan. It helps, it shows on the screen,” he shares.
Para naman kay Manay Lolit Solis, na isa sa mga original hosts, mahalaga ang pagiging isang pamilya nila sa
Startalk. “Kaya siguro nagtagal ‘yung
Startalk kasi we are one big happy family. Talagang ang feeling mo you look forward doon sa Saturday, magsasama-sama na naman kayo. The other day nga, may ikinasal kaming kasamahan, you get the feeling na itong mga taong ‘to nag-grow sila sa eyes mo.”
Sinang-ayunan naman ito ni Butch Francisco. “It’s a combination of good staff. Like what I have been telling people, I feel lucky because any show I go to, I get the most talented and most brilliant staff. [They are] really the best writers anyone could ever have. Mga siga, pero magaling.”
Wish naman ng tatlo na sana ay tumagal pa ang
Startalk, at inihalintulad pa ito sa variety show na
Eat Bulaga. “Ang wish namin maging kamukha ng
Eat Bulaga na 33 years. Kung nag-alaga sila ng bata, by now matandang dalaga na ‘yun kung hindi nag-asawa. Kung nag-asawa, mayroon na siyang baby, di ba? Kagaya nung nakikita mo kina Tito, Vic, and Joey doon sa
Eat Bulaga bonding na sila talaga naggo-grow together, nagsasama-sama sila everyday,” paliwanag ni Manay Lolit.
Hindi man daw nila ma-predict kung ano ang mangyayari sa showbiz in the coming years, isa lang ang maipapangako ng show – ang fair and unbiased treatment sa lahat ng issue.
“Kasi ‘yung mga issues hindi mo naman masasabi kung kailan sasabog. Ang promise lang namin ay magandang treatment sa mga issues, everybody will have a chance to air their side, and fair na fair na reporting,” says Ricky.
Ito naman ang naging sagot ni Manay Lolit. “Usually kasi di ba naggo-grow ‘yung show together with the environment, kung ano nangyayari sa showbiz. Sabi nga, ang
Startalk, The Showbiz Authority. Kung ano man nangyayari sa paligid, we make sure na mauuna kami, makuha namin lahat ng side, makuha namin ang talagang totoo regarding that issue.”
“Siguro naman sa tagal namin, ako nga 14 years na, niloko ko ba kayo kahit isang beses? Hindi kami mambobola, sasabihin namin kung ano ‘yung totoo. Kung ma-deliver namin, we will deliver it. Kung hindi nakuha, we will tell you na hindi namin nakuha pero pipilitin namin. And as much as possible, nakukuha namin,” shares Butch.
Panoorin ang 17
th anniversary celebration ng
Startalk TX, entitled ‘The Truth at 17’, ngayong Sabado, October 20, pagkatapos ng
Eat Bulaga. --
Photo by Esperanza Estrada --
Michelle Caligan, GMANetwork.com