Article Inside Page
Showbiz News
Tunay na walang inuurungan si PO2 Mariano Flormata Jr. Pagkaraang magwagi bilang Mr. Philippines International 2014, sumabak naman siya ngayon sa pag-arte para sa kanyang life story sa 'Magpakailanman'.
By CHERRY SUN
Tunay na walang inuurungan si PO2 Mariano Flormata Jr.
Pagkaraang magwagi bilang Mr. Philippines International 2014, sumabak naman siya ngayon sa pag-arte para sa kanyang life story sa
Magpakailanman.
“Nung una medyo nahihirapan ako kasi iba, first time ko. Pero tinuruan naman nila ako kung pano umarte, so nakaya ko naman,” saad ng hot cop na kilala rin sa screen name na Neil Perez.
“Excited ako, gusto kong mapanood sarili ko, kung paano ako umarte,” dagdag pa niya.
Handa na rin daw siyang tumanggap ng iba pang acting projects hangga’t hindi ito makasasagabal sa kanyang trabaho bilang pulis.
Alamin ang kwento ng buhay ni P02 Flormata ngayong Sabado na sa
Magpakailanman.