
Tampok ang isang pamilyar na mukha sa bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong summer, ang Queen of Mystery.
Bidida dito si Kwon Sangwoo bilang Warren, isang detective na malilipat mula sa headquarters ng pulis papunta sa isang maliit at tahimik na bayan.
Dito niya makikilala si Sue (Choi Kanghee), isang housewife na mahilig tumulong sa paglutas ng iba't ibang mga kaso ng pulis.
Aso't pusa sila sa simula, pero hindi maikakaila ni Warren ang galing ni Sue sa pagsuyod sa mga detalye at pagpirapiraso ng mga ebidensiya.
Kaya naman magiging partners ang dalawa sa pag-iimbestiga ng mga kaso sa kanilang bayan.
Ano pa kayang mga matutuklasan ng kanilang tambalan sa bayan na tila tahimik pero balot pala ng mga sikreto?
Lutasin ang mga misteryo ng Queen of Mystery, malapit na sa GMA Heart of Asia.