
Pinasilip sa 24 Oras ang short clips mula sa adventure nina Aubrey Miles, LJ Reyes, at Katrina Halili sa Southern Cebu para sa Road Trip.
Isa sa mga una nilang ginawa ay ang mag-swimming kasama ang maraming sardines. Ika ni Aubrey, "Pagkita ko, paglubog ko pa lang parang 'Oh my [gosh]!' Parang most shocking, good [kind of] shocking sa buhay ko, na ganun kadami ['yung sardines.]"
Dagdag naman ni Katrina, "Nakakaaliw kasi first time ko, kahit taga El Nido ako, wala naman akong nakitang ganun din. So, first time ko nakakita ng ganun na maraming isda talaga. Parang wall talaga siya na parang may show."
Game na game rin naman si LJ at Aubrey sa pagtalon sa Kawasan Falls na 35ft ang taas. Pero si Katrina, tila nababahala. Ani ng aktres sa mga kasama niya, "Ayoko tumalon, kuya. I need time to heal, mga years. Ayoko po. Talo na ako, talo na ako."
Mapapa-go pa kaya si Katrina? Abangan sa Sunday, 5 p,.m. ang adventures ng tatlo sa Road Trip!
Panoorin ang full report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: