
Sasalang bilang resource person ang versatile actress na si Ashley Ortega sa new session ng Your Honor this Saturday night, kung saan pag-uusapan niya ang kaniyang adulting life.
Ang Your Honor episode na tinawag na "In Aid of Adulting: Signs na Hindi ka na Bata. Shookt si Ashley Ortega", napakuwento ang Sparkle beauty sa real-life housemate niya na si Shuvee Etrata.
Ayon kay Ash, may isang part ng kaniyang BFF na lubos na tanggap na niya simula noong nagsama sila sa iisang bahay.
Hirit niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Ako, naglilinis ako. Si Shuvee [Etrata] love ko si Shuvee, tanggap ko na talaga na burara siya at makalat siyang tao.” Matatandaan na noong Nobyembre, ipinasilip ni Shuvee sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila ang new home nila ni Ashley.
Source: Your Honor
RELATED CONTENT: Shuvee Etrata and Ashley Ortega move into their new home!
Samantala, naging honest din ang Kapuso actress sa hirap na pinagdaanan niya na mabuhay na mag-isa, matapos lumayas sa kaniyang bahay noon.
“Nung kaya ko na, I started living alone.”
“Mahirap din actually, inabusado ko rin na wala akong curfew, so talagang waldas ako ng pera. Sige, alak pa! Wine, tara!” Pag-amin ni Ashley.
Pagpapatuloy niya, “Na-experience ko pa nag-New Year nag-Christmas ako mag-isa. Dun ako sa condo nagtotorotot ako mag-isa. Totoo talaga!
“Parang, part 'to naglayas ka, panindigan mo 'to. Yun 'yung pivotal moment ko na nag-change talaga ako on being an adult.”
Abangan si Ashley Ortega sa Your Honor ngayong February 7, 2026 sa YouLOL YouTube channel pagkatapos ng Pepito Manaloto.