
Talaga namang mainit ang pagtanggap ng viewers sa intense drama series na House of Lies.
Related gallery: On the set of House of Lies
Bukod sa episodes na ipinapalabas sa telebisyon, nakatutok din ang mga manonood sa clips ng serye na ina-upload ng Kapuso Network sa social media.
Kasabay nito ay ang paghakot ng clips ng milyon-milyong views sa Facebook at TikTok.
Ilan sa mga sinubaybayan ng viewers ay ang catfight scenes nina Marj at Thea, ang mga karakter nina Beauty Gonzalez at Kris Bernal.
Ang isa sa mga ito ay ang eksena kung saan kinaladkad ni Marj si Thea palabas ng mansyon ng pamilya Torrecampo.
Umabot sa 1.9 million ang views ng naturang eksena.
Nag-viral din sa social media ang rebelasyon tungkol kay Edward (Martin Del Rosario) na siya ay anak ni Regina (Jackie Lou Blanco) sa ibang lalaki at hindi kay Greg (Lito Pimentel).
Samantala, ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Kabilang din sa cast nito sina Kokoy De Santos, Snooky Serna, Angel Cadao, Kayla Davies, Geo Mhanna, Tanya Gomez, at Gee Canlas.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng House of Lies.
Mapapanood ang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.