GMA Logo House of Lies
Courtesy: GMA Network, GMA Drama
What's on TV

House of Lies: Eksenang away mag-asawa nina Marj at Paolo, pinag-usapan

By EJ Chua
Published March 18, 2026 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vice mayor arrested over shabu in Camiguin Province —PDEA
P2P bus starts Clark - PITX route
Motorist run over by truck in Iloilo; dies

Article Inside Page


Showbiz News

House of Lies


Magkaayos pa kaya ang mag-asawa na sina Marj (Beauty Gonzalez) at Paolo (Mike Tan)? Abangan sa 'House of Lies.'

Sinubaybayan ng viewers at fans ng intense drama na House of Lies ang sunud-sunod na mga eksena nina Beauty Gonzalez at Mike Tan bilang mag-asawa sa serye na sina Marj at Paolo.

Nasaksihan ng mga manonood ang away-mag-asawa scenes nina Marj at Paolo na talaga namang nagdala ng matinding emosyon.

Tampok sa mga eksena ang pagtatalo nila dahil sa desisyon ni Marj sa experimental treatment para sa anak nila na si Jasmine, ang karakter ni Kayla Davies sa serye.

Dito ay ilang beses silang nagkasagutan at nag-away hanggang sa umabot na sa desisyon ni Marj na lumayo muna at umalis sa Torrecampo mansion.

Sa comments section ng mga post tungkol sa House of Lies, mababasa ang reaksyon ng viewers sa mga eksena nina Marj at Paolo.

Samantala, sa likod ng intense scenes ay ang makulit na bonding moments sa set ng serye.

Patuloy na tumutok sa intense drama series na House of Lies.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

Related gallery: At the story conference of House of Lies