
Parami nang parami ang sumusubaybay sa GMA intense drama series na House of Lies.
Related Gallery: On the set of House of Lies
Sa latest update tungkol sa serye, inilahad ng Kapuso Network na umabot na sa 100 million ang kabuuang views nito sa apat na social media platforms- Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Mabilis na humakot ng views online ang mabibigat na mga eksena ng lead stars na sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Tampok dito ang sagutan nina Marj at Thea, ang mga karakter nina Beauty at Kris.
Nasaksihan din ng viewers ang away magkapatid at kompetisyon nina Paolo at Edward, ang roles naman nina Mike at Martin sa serye.
Usap-usapan din ang karakter dito nina Snooky Serna, Lito Pimentel, Jackie Lou Blanco, Kokoy de Santos, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa intense drama.
Mapapanood ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.