
Pagkatapos ng isang fruitful na 2025, sa pagpasok ng 2026, iba't ibang New Year's wish at goals ang gustong makamit ng ilang Kapuso stars at celebrities. Mula sa career, hanggang para sa personal na buhay, nakalatag na ang kanilang goals.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Huwebes, ibinahagi ng ilang cast ng upcoming series na House of Lies ang kanilang goals, habang umaasa at nananalangin ng mas magandang 2026.
Si Kris Bernal, gusto pa umanong magbukas ng mga negosyo ngayong taon. Pag-amin pa ng aktres, "Actually parang baligtad na, e. Parang nagiging on-the-side ko itong trabaho ko sa showbiz tapos gusto ko mag-focus sa business.”
Praying naman for strength and healing ang co-star niyang si Jackie Lou Blanco matapos ng masakit na pinagdaanan noong nakaraang taon. Matatandaan kasi na magkasunod pumanaw ang kaniyang ina na si Pilita Corrales, at dating asawa na di Ricky Davao.
"I think I look forward to siguro managing the grief a little better but moving forward, doing things that will make mom and Rickky proud, that will continue to honor them, and I think ako, specifically, I can do that through my work because it's something that they love to do," sabi ni Jackie Lou.
Pagpapatuloy ng iconic actress, "To be as excellent as I possibly can in my job will give honor to them, and that will give me joy."
Career goals naman ang tinitingnan nina Martin Del Rosario at Mike Tan ngayong 2026.
Ani Martin, "Sobrang blessed, lalo na sa career, kaliwa't kanan 'yung projects so thank you Lord. Sana sa 2026, ganu'n pa rin ' yung trajectory, pataas, parami and more blessings pa sana.
Para naman kay Mike, "Gusto ko sana mas galingan dito sa field na 'to. Siyempre I'm praying na maging successful itong House of Lies."
Matapos manalo ng maramng awards nitong nakaraang taon, looking forward naman si Kapuso Drama King Dennis Trillo na magkaroon pa ng mas maraming proyekto, at makagawa pa ng makabuluhang pelikula.
Hiling ng aktor, "Sana patuloy lang 'yung mga blessing, sana patuloy lang 'yung mga trabaho, magagandang projects. 'Yun lang, ma-sustain lang lahat ng 'to."
TINGNAN ANG KAHILINGAN NG IBA PANG CELEBRITIES NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO:
Dobleng excitement naman ang nararamamdan ni Rocco Nacino sa pagpasok ng bagong taon. Bukod sa new shows, inaabangan na rin ni Rocco at ng asawang si Melissa Gohing ang new baby nila ngayong taon. Dahil din dito, may motivated ang aktor na magtrabaho ngayong 2026.
Pelikula, teleserye, at isang short film na maaari niya sanang iprodyus ang hiling naman ng young Kapuso star na si Therese Malvar.
Career-oriented din ang goals ng Love You So Bad stars na sina Binaca de Vera at Dustin Yu.
"More projects talaga at talagang mas mahalin ako ng industriya, ng mga tao. Sana, hopefully," sabi ni Dustin.
Pagbabahagi naman ni Bianca, ayaw daw niya muna magpahinga at sa halip ay magtrabaho ng magtrabaho para makapagpasaya at makapagpakilig ng mga manonood.
Samantala, ang co-star nilang si Will Ashley, may note para sa sarili ngayong 2026, "Just stay present, kumbaga do what you love and continue being you.
Panoorin ang panayam sa 24 Oras dito: