
The wait is over dahil mapapanood na sa telebisyon at online ang bagong intense drama series na House of Lies.
Pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal ang serye na magsisimula nang ipalabas ngayong Lunes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Humanda na sa kwentong susukat sa katatagan ng isang pamilya.
Iikot din ang istorya nito sa salu-salungat na mga pangarap, mga ambisyong magbabago ng kapalaran, at mga kasinungalingang gigibain ng katotohanan.
Related gallery: On the set of House of Lies
Makakasama ng lead stars na sina Beauty, Mike, Martin, at Kris ang iba pang aktor gaya nina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy De Santos.
Kabilang din sa cast nito ang Sparkle stars na sina Kayla Davies, Angel Cadao, at Geo Mhanna.
Samantala, panoorin ang pasilip sa mga eksena sa House of Lies sa video sa ibaba:
Abangan ang pilot episode ng House of Lies, ngayong January 19, sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.