
Kaabang-abang ang mga mapapanood na eksena sa House of Lies ngayong Biyernes, March 13.
Sa sobrang pag-aalala para sa anak na si Jasmine (Kayla Davies), susuwayin ni Marj (Beauty Gonzalez) ang kanyang asawa na si Paolo (Mike Tan) at magdedesisyon na siyang mag-isa.
Dahil pansin na niyang lumalala ang kondisyon ni Jasmine, dadalhin ni Marj ang kanyang anak sa Hong Kong para sa isang experimental treatment.
Kayanin kaya ito ng katawan ni Jasmine?
Paano kung hindi mag-work ang experimental treatment para kay Jasmine?
Ano kaya ang mangyayari sa pamilya ni Marj ngayong buhay ng kanilang anak ang ipinaglalaban nila ni Paolo?
Samantala, sa likod ng mabigat na mga eksena ay nag e-enjoy ang cast members sa set ng House of Lies.
Patuloy na tumutok sa intense drama series na House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.