
Ngayong 2026, isang bagong serye ang handog ng GMA sa mga Kapuso at iba pang viewers.
Ito ang House of Lies, ang afternoon series na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Iikot ito sa mga katotohanan na tatakpan at tatapalan ng mga kasinungalingan ng bawat karakter.
Bukod kina Beauty, Mike, Martin, at Kris, kabilang din sa star-studded cast nito sina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Kokoy De Santos, Patricia Tumulak, Tanya Gomez, at Gee Canlas.
Mapapanood din sa serye ang young Sparkle stars na sina Kayla Davies, Angel Cadao, at Geo Mhanna.
Samantala, panoorin ang pasilip sa mga eksena sa House of Lies sa video sa ibaba.
Abangan ang House of Lies, mapapanood na ngayong January 19, sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: At the story conference of House of Lies