GMA Logo Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Martin del Rosario
Courtesy: GMA Network
What's Hot

'House of Lies' stars, awat muna sa bangayan ngayong Valentines

By EJ Chua
Published February 14, 2026 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers star Luka Doncic out indefinitely due to hamstring injury —report
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Martin del Rosario


May dalang pagmamahal at kasiyahan ang cast ng 'House of Lies' sa kanilang mall show ngayong Linggo, February 15.

Time out muna sa awayan at kasinungalingan ang star-studded cast ng House of Lies.

Spread the love muna ang peg at goal ng mga aktor sa intense drama series ngayong Valentines.

Magsasama-sama ang ilang stars ng seryes sa kanilang mall show ngayong Linggo, February 15, 2026, 3:00 p.m. na gaganapin sa Robinsons Novaliches.

Tampok dito sina Beauty Gonzalez, Martin del Rosario, Kris Bernal, Kokoy de Santos, Geo Mhanna, Kayla Davies, at Angel Cadao.

Magsisilbi namang hosts sa mall show ang ilan pang kabilang sa cast nito na sina Gee Canlas at Patricia Tumulak.

Makisaya at makipagkulitan sa kanila ng personal ngayong darating na Linggo.

Samantala, mapapanood ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

*Related gallery: On the set of House of Lies