
Isang good news ang handog ng GMA para sa mga Kapuso na fans at viewers ng House of Lies.
Available na for download at online streaming worldwide ang theme song ng pinakabagong intense drama sa GMA na may pamagat na "Katotohanan".
Ito ay isinulat ni Rina May L. Mercado at ipinerform naman ng Sparkle artist na si Jessica Villarubin.
Parte rin ng pagbuo nito si Andrea Rae N. Culla at pinangunahan naman ni Rocky Gacho ang pag-produce ng theme song.
Ang official soundtrack ay handog ng GMA Playlist.
Una na itong napakinggan sa grand media conference ng naturang serye.
Ang intense drama ay pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Ipinapalabas ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.