GMA Logo Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal, Martin del Rosario, Jackie Lou Blanco
Courtesy: GMA Network, GMA Drama
What's on TV

'House of Lies' viewers, invested sa pagkabunyag ng sikreto nina Paolo at Thea

By EJ Chua
Published April 10, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IN PHOTOS: Benilde wins NCAA Season 101 men's volleyball crown
Sofia Pablo marks 20th birthday with gorgeous photos
Cooking techniques, new recipes, at iba pa, tampok sa 'Farm to Table'

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal, Martin del Rosario, Jackie Lou Blanco


Huwag palampasin ang pasabog na pag-eksena ng asawa ni Paolo (Mike Tan) na si Marj (Beauty Gonzalez) sa big event ng pamilya Torrecampo!

Mas kapana-panabik na mga eksena ang hindi dapat palampasin sa intense drama na House of Lies.

Related gallery: Kilalanin ang cast ng House of Lies

Tiyak na magugulantang ang lahat sa panggugulo ni Marj (Beauty Gonzalez) sa dapat sana'y masayang araw ng kanyang mga biyenan na sina Regina (Jackie Lou Blanco) at Greg (Lito Pimentel).

Dahil sa nalaman niyang masakit na katotohanan tungkol sa secret affair ng kanyang asawa na si Paolo (Mike Tan) at ni Thea (Kris Bernal), mapapasugod si Marj at tila hindi mapipigilan ang kanyang galit.

Sa posts ng GMA Network, mababasa na talaga namang nakaabang at nakatutok na ang Pinoy viewers at mga Kapuso sa pagkabunyag ng big secret na ito.

Narito ang pasilip sa susunod na mga eksena sa serye:

Samantala, sa likod ng intense scenes ay ang makulit na bonding moments sa set ng serye.

Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.

Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.