What's on TV

'House of Lies' viewers, nakaabang agad sa susunod na episodes

By EJ Chua
Published January 28, 2026 11:27 AM PHT
Updated January 28, 2026 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DEPDev warns of ‘doomsday’ scenario of 7.5% inflation amid Middle East conflict
Dagupan City LGU, tiniyak ang tulong sa mga anak ng nasawing OFW sa Kuwait | One North Central Luzon
HONNE returns to Manila this August for 10th anniversary tour

Article Inside Page


Showbiz News

house of lies


Hooked na ang maraming Pinoy viewers sa bagong GMA Afternoon Prime series na 'House of Lies.'

Usap-usapan sa social media ang istorya at mga karakter sa pinakabagong intense drama series sa GMA Afternoon Prime, ang House of Lies.

Hindi maikakaila na maraming manonood ang tila invested na sa bagong programa.

Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.

Related gallery: On the set of House of Lies

Mababasa sa posts at comments ng fans at viewers nito ang paghanga nila sa acting skills ng lead stars at pati na rin sa kuwento nito.

Umani rin ng iba't ibang reaksyon ang puksaan nina Beauty at Kris, na napapanood dito bilang sina Marj at Thea, ang dalawang babaeng magkalaban sa career at kalaunan ay magiging magkaribal sa love life.

Marami rin ang pumuri sa husay ng supporting actors gaya na lang ni Kokoy de Santos.

Ihanda na ang inyong mga sarili sa mas matitinding eksena sa House of Lies.

Mapapanood ang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.