
"Happy at proud" si Tanya Ramos sa itinatahak ng karera niya ngayon sa showbiz.
Kabilang ang actress-singer sa 17 aspiring young stars na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center sa pamamagitan ng Sparkada noong April 2022.
Sa guesting sa Playlist Live, ibinahagi ni Tanya kung kamusta na nga ba ang showbiz career niya ngayon simula nang mapasama sa Sparkada.
"Grabe, ang masasabi ko lang time fly so fast talaga. Like parang kailan lang I just received the email na I got in sa Sparkle and then here I am doing recording with my Playlist family," kuwento niya.
Dagdag ni Tanya, "Everything is super overwhelming, in a good way. I feel super happy and proud sa Sparkada members ko kasi sabay-sabay kami. Like seeing them grow in their own way and in their own direction. Words can't really explain pero grabe 'yung growth namin like some of my Sparkada members and me are gonna be part of this upcoming show sa Wattpad, 'Luv is: Caught in His Arms.' And 'yung ibang members, also they have their own projects na.
"Parang kailan lang we just started, we were just having workshops together. We were like dreaming kung anong dream roles namin or like kung anong gusto naming puntahan sa journey na ito."
Makakasama ni Tanya sa pinakabagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms ang iba niya pang Sparkada members na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, at Kirsten Gonzales.
Bukod sa pag-arte, ipinamalas na rin ni Tanya ang husay sa pagkanta sa pinakabago niyang single under GMA Playlist, ang "Walang Paalam," na inilabas noong November 2022.
MAS KILALANIN SI TANYA RAMOS SA GALLERY NA ITO: