What's Hot

How much is Michael V's net worth?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 12:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Allen Liwag cops back-to-back MVPs, Titing Manalili is top rookie of Season 101
VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News



Particularly in his hit show 'Pepito Manaloto.'
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY MARY LOUISE LIGUNAS, GMANetwork.com
 
Suntok sa buwan maituturing ang manalo ng 700 million pesos sa lotto. But out of sheer luck, nasungkit ni Pepito ang multi-million pot money by getting the right lotto combination. 
 
At sa mahigit apat na taon na tumatakbo ang kuwento ng high-rating comedy show ng GMA-7, marami na ang nagtatanong kung gaano na ba kayaman si Pepito?
 
Ayon sa tumatayong creative director at main star ng show na si Michael V, malaki-laki na rin daw ang kayamanan na naipon ni Pepito. Pero, hindi tulad ng iba na biglang yaman, mas pinili raw ng karakter na maging conservative sa paggastos ng kanyang napanalunan. 
 
Ani Bitoy, “Ang hirap lagyan ng presyo pero sa totoo lang medyo malaki-laki na rin. Ang pinalalabas lang namin sa show eh si Pepito galing sa isang mahirap na pamilya. Hindi pa rin siya totally nakaka-adjust dun sa buhay niya ngayon.”
 
Dagdag pa ng Kapuso comedian, “So conservative pa rin siya. Kung mayaman na mayaman man siya hindi niyo nahahalata dahil sa ugali niya.”
 
Para naman sa director ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na si Direk Bert de Leon, maganda pamarisan ng mga tao si Pepito dahil perfect example daw siya ng isang lotto winner na sa halip lustayin ‘yung pera ay mas pinili nito na mag-negosyo.
 
Saad niya, “Yun ‘yung I think the perfect example of ‘yung lotto winner na ginamit niya ‘yung pera niyang napanalunan nagnenegosyo siya. Tinatrabaho niya. Mayroon siyang negosyo, pinag-aaralan niya ‘yung negosyo. Kahit na 'pag may ginagawa ka eh dinudugas ka ni Tommy.”