
Sa Idol sa Kusina Lutong Bahay ay ipinakita ang iba't ibang recipes ng seafood.
Nitong November 29, naghanda si Chynna Ortaleza ng kanyang shrimp quesadilla. Pero bago simulan ito, itinuro muna ni chef Boy Logro ang kanyang idol moves sa pag-devein ng shrimp.
Photo source: Idol sa Kusina Lutong Bahay
Napanood rin sa episode nitong Linggo si Neil Ryan Sese at ang kanyang inihandang grilled tuna belly. Fresh na fresh ang ingredients na kanyang ginamit mula sa kanyang store na K&G Seafood delivery business.
Napanood din sa episode na ito si chef Noel Agra. Siya ang celebrity chef na nagbahagi ng kanyang special healthy dish na salmon adlai power bowl.
Abangan ang iba pang masasarap na dishes sa Idol sa Kusina Lutong Bahay tuwing Linggo sa GMA News TV.
RELATED CONTENT:
WATCH: Easy rainy season comfort food recipes
WATCH: Easy restaurant-style dishes by different kitchen idols