GMA Logo Mikael Daez
What's Hot

Hula kay Mikael Daez sa 'Running Man PH' na magkaka-baby, nagkatotoo!

By Aedrianne Acar
Published December 8, 2024 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael Daez


Sa episode ng 'Running Man PH' na ipinalabas noong Agosto, sinabi ni Park Seong-jun ang kapalaran ni Mikael Daez pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Nagkatotoo ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young.

Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak.

Sa episode ng Running Man PH na ipinalabas noong Agosto, sinabi ni Park Seong-jun ang kapalaran ni Kap Mikael pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Sabi ni Seong-jun in Korean, “Pagdating sa suwerte sa pagkakaroon ng baby, malakas ito next year and the year after that."

Mikael Daez saju reading

Source: Running Man PH

Binalikan din ni Mikael ang fortune telling moment niya sa phenomenal reality game show at sabi niya sa Instagram post, “What a journey it has been. What a journey to come”

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Matatandaan na dalawang beses ikinasal ang Daez couple noong January 2020.

RELATED CONTENT: CELEBRITIES WHO GAVE BIRTH IN 2024