GMA Logo kokoy de santos on running man ph
What's on TV

Hula ni Kokoy de Santos sa Charades relay, kinaaliwan ng mga netizen

By Aedrianne Acar
Published October 17, 2022 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

kokoy de santos on running man ph


Ibang baboy ang naiisip ni Kokoy!

Sumakit din ba ang tiyan n'yo sa katatawa sa naging sagot ng Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos sa intense "Charades Relay" mission sa pagpapatuloy ng Territory Race sa Running Man Philippines noong Sabado, October 15.

Goal ng Blue Team na binubuo nina Kokoy, Lexi Gonzales, at Buboy Villar na makakuha ng missing puzzle piece para sa kanilang Philippine map to win the race.

Pero mukhang naging challenge sa kanila ang Charade Game.

Isa sa mga pinahulaan sa kanilang ang salita na “gumigiling na baboy”--todo ang effort nina Buboy at Lexi para i-arte ang word at mahulaan ni Kokoy, pero mukhang iba ang nasa isip ng guwapong binata at sumagot ng “samgyupsal.”

Hit na hit sa TikTok ang eksena na ito sa Running Man Philippines, na may mahigit sa 2.3 million views na.

@gmarunningmanph From baboy na gumigiling to samgyup? Gutom yarn, Kokoy? #RunningManPH #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH

Kahit ang mga netizen, humagalpak sa kakatawa sa naging sagot ni Kokoy sa Charade Relay.

Balikan ang mga funny moments ng Blue Team sa Running Man Philippines sa video below!

KILALANIN ANG CELEBRITY RUNNERS SA GALLERY NA ITO: