
Walang takot na pinangalanan ng isang soap opera actor kung sino sa kanyang mga kapwa artista ang in-unfollow niya sa Instagram sa online exclusive video na pinamagatang 'Name Drop' challenge.
Ayon sa aktor, hindi siya na-toxic-an sa nasabing artista na isang aktres. Bagkus, in-unfollow niya ito sa photo and video-sharing app dahil sa mature and sexy photos nito.
Ang dahilan ng aktor, nakatrabaho ang aktres noong bata pa lang ito sa dating serye sa GMA. Labingtatlong gulang pa lang noon ang nasabing ex-child star na 14 taon ang agwat ng edad sa aktor.
Para sa aktor, bata pa rin ang tingin niya sa aktres na magbibida sa isang malaking TV project soon.
Kaya bilang nakakatanda o kuya nito, minabuti na lang ng aktor na in-unfollow sa social media ang dating co-star.
Nilinaw naman niya na mahal pa rin niya ang aktres bilang may care pa rin siya rito sa kabila ng pagiging mature nito, bagay na hindi maiiwasan.
Nasa early 20s na ang ex-child star na kinikilala ngayon bilang isa sa mga mahuhusay na artista sa kanyang henerasyon.
Kilalanin kung sino ang tinutukoy ng drama actor sa video na ito.