
Sumalang ang actor-host sa hot seat ng isang Kapuso comedy program kamakailan at sinagot ang ilang maiinit na mga tanong.
Isa na rito ay ang tungkol sa kanyang love life noong kabataan. Ang aktor na ito ay naging bahagi ng isang sikat na youth-oriented show noong '80s.
“May tsismis na nagkaroon ka raw di umano ng girlfriend na miyembro rin ng That's Entertainment. Guilty or Not Guilty?” tanong ng TBATS host na si Boobay.
“Guilty” ang sagot ng aktor.
Ito ang unang pagkakataon na inamin ito ng guest celebrity. Aniya sa host, “Tama 'yung tanong mo, so tama 'yung sagot [ko].” Ipinaliwanag ng actor-host na dati ay pangkalahatan lang ang tanong tungkol sa dati niyang buhay pag-ibig at walang nagtatanong kung mayroon na siyang naging nobya sa That's Entertainment.
Inamin din ng aktor na dalawa ang kanyang naging girlfriend sa nasabing program ngunit hindi na niya sinabi ang mga pangalan nito.
“Hindi na, tahimik na buhay nila,” natatawang sagot ng aktor.
Ayon pa sa aktor, 18-years-old siya ng magkaroon ng first girlfriend. Dagdag pa niya, marami-rami siyang naging nobya noon at karamihan sa mga ito ay non-showbiz.
“Maraming non-showbiz kasi very complicated ang showbiz girlfriend, e. You're both living in a microscopic world,” aniya.
Sino kaya itong aktor na ito? Alamin sa video sa ibaba.