GMA Logo hula who
What's on TV

HULA WHO: Aktor, naharap sa nagdadabog na fan dahil sa mistaken identity

By Maine Aquino
Published May 7, 2024 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Alamin ang kuwento ng aktor na napagdabugan ng fan dito:

Isang aktor ang umano'y naka-experience ng pagdadabog at pag-walk out ng isang fan.

Ayon sa aktor, nasa standby area sila bilang guest sa isang morning show nang mangyari ito.

Ani aktor, "Napagkamalan akong si Jeff Moses ng Abot Kamay na Pangarap."

Saad ng hosts nang malaman ang kuwento ni aktor, "Medyo, may hawig naman."

Pagpapatuloy ng kuwento ng aktor, "May lumapit sa akin nagpa-picture, 'Picture tayo.' 'Tapos, sabi niya sa akin, 'Salamat nakapagpa-picture na ako sa idol ko si Jeff.'

Ayon kay aktor, dito na niya sinabing hindi siya si Jeff sa nagpa-picture fan.

"Sabi ko, hindi po ako si Jeff, tropa ko lang po siya."

Pagkatapos nito ay ipinakita ni aktor sa programa kung paano nagdabog at umalis ang fan.

Sabi pa ni aktor, "Sorry, ate, na hindi ako si Jeff. I'm so sorry to ruin your morning."

Alamin kung sino si aktor dito: