GMA Logo  Don B Manalo and Hula Who
What's on TV

Hula Who: Aktor, pinangalanan ang 'StarStruck' Season 3 survivor na hindi deserving sa Final 14 spot

By Aedrianne Acar
Published December 2, 2025 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo sa karneng baboy sa Davao City, posibleng mosaka | One Mindanao
Plunder at graft, isinampa laban kay VP Sara kaugnay ng P612.5-M confidential funds
Good News: Mala-Disneyland na theme park, matatagpuan sa Pampanga

Article Inside Page


Showbiz News

 Don B Manalo and Hula Who


TV-theater actor, naniniwala na deserve niya ang spot sa Final 14 ng 'StarStruck Season 3'.

Remember Don-B Manalo ng StarStruck Season 3?

Well, siya ay walang iba kung hindi si Benj Manalo na isang versatile theater and TV actor at mister ngayon ng former Bubble Gang comedienne na si Lovely Abella.

At itong si Don-B, sinagot ang tanong nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa "Executive Whisper" segment ng Your Honor tungkol sa kanyang experience sa 'StarStruck' noon.

“Feeling ko oo [deserving ako]. Ano ako sa sarili ko na nandoon ako sa Top 14,” pag-amin ng mister ni Lovely.

Sumunod na paliwanag niya sa House of Honorables, “Meron reason, kasi dun sa batch namin ang payat ko pa nun. Kami 'yung parang kambal ang hitsura. As in pareho kami ng features, kung ise-search n'yo 'yun online parang parehong-pareho kami. So, naintindihan ko that time na siya 'yung pinili over me.

"Kasi sa Parañaque may Iwa Moto na e. Tapos siya representative, eh nationwide invasion 'yun so mas malawak. So, naintindihan ko na ah okay, kung siya man 'yung makakapasok it's because, kailangan nila ng representative. Kasi sa amin, nakapasok na agad si Iwa, sabi ko [ang] hirap na.”

“Kung alam ko lang sana eh di nag-Tondo Manila na lang ako 'di ba! Taga Tondo, Manila e walang ganun e, nagpaka-sosyal sosyal pa kasi ako, e.”

Sinetch ang tinutukoy ni Benj Manalo sa Final 14 finalist ng StarStruck? Alamin sa full episode ng Your Honor below!

RELATED CONTENT: GET TO KNOW TV-THEATER ACTOR BENJ MANALO