
Isang pasabog na kuwento ang ibinunyag ng aktres nang mag-guest siya sa isang weekend show.
Dito inamin ni aktres na may nag-take advantage daw sa kaniya sa set ng isang programa.
Saad sa aktres nang maupo siya sa hotseat ng programa, "Ibulong mo sa akin ang isang artistang may attitude, hindi maganda katrabaho, at ayaw mo na makatrabaho forever."
Pagkatapos ibulong ni aktres kung sino ito sa host ng programa ay inilahad niya naman ang dahilan kung bakit hindi niya na gustong makatrabaho ang taong ito.
Ani ng aktres, "Because he took advantage of me physically sa set."
"Paghaplos niya sa akin, may dumaplis ng onti."
Ipinaliwanag ni aktres ang mga nangyari ngunit hindi ipinarinig kung sino ang kanilang isa pang nakasama sa eksena.
"Sa GMA na show 'yun, matagal na matagal na, parang mag alas singko na ng umaga, nasa location kami tapos ang drama tulog ako, parang I am under a spell. Tapos kaeksena ko siya at si ______. _______ was just starting then."
Kuwento pa ni aktres, sinabihan daw ni aktor ang isa pang artistang kanilang kaeksena ng, "Look at what I am going to do to your Tita."
Ayon pa kay aktres, natatandaan niyang na-trauma ang kanilang kasamang artista sa eksena.
"I think _____ remembers but I think at that time she was a little traumatized."
Itinanong naman ni host kung ano ang naging reaksyin ng aktres nang mangyari ito.
Saad ng aktres, "Wala, e 'di ba tulog ako. I only had two choices, either umalma ako at maka-cut, or ituloy tuloy na lang para makauwi na kami kasi umaga na."
Dugtong pa niya, "Of course, I said something. I said something na paarang patapon way na lang pero ang nagalit 'yung mga co-actors ko tapos 'yung mga direktor, umabot sa kanila."
Alamin ang kuwento ni aktres dito: