
Tila letting go with a cause ang nasa puso ng isang kilalang aktres sa kanyang ibinahaging kuwento.
Sa isang episode ng Kapuso game show na The People Have Spoken, humarap ang celebrities at People sa bonus round question na: "Hindi maayos ang break-up n'yo ng dyowa mo. Ano ang gagawin mo sa mga regalo n'ya?"
Sa gitna ng kanilang candid na pagsasagot, tila medyo nakaka-relate ang celebrity sa round question.
"Ano ba 'yung pinakamahal na regalo na natanggap mo, nabigay mo, at ano'ng ginawa mo?" tinanong sa kanya.
"Meron nag-propose sa 'kin dati," sabi ng aktres na napatili ang lahat.
"Hindi naman siya official na propose pero binigyan niya ako ng heart na diamond, tatlong diamond na pinagsama illusion na heart."
Ngunit dahil sa hiwalayan, pinili niyang ipamigay ito sa pinakamabuting paraan.
"Sobrang heartbroken ko, pinamigay ko siya sa charity," aniya.
Ngunit patawa niyang dagdag, "'Yung isang necklace na binigay niya sa akin, binenta ko. Charot! Service is rendered naman, ika nga."
May hula ka na ba kung sino siya ? Alamin ang kasagutan DITO.