GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Aktres, idini-date ang kapatid ng kanyang co-actor?

By Maine Aquino
Published October 31, 2023 12:04 PM PHT
Updated October 31, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Saad ng aktres: "Masaya 'yung heart ko. 'Yun lang ang masasabi ko."

Gulat na gulat ang aktres nang tanungin siya kung nagdi-date ba sila ng kapatid ng kanyang co-actor.

Nagsimula ang dating rumors nang makita ang aktres na kasama ang kapatid ng co-actor sa GMA Gala 2023.

"Natawa ako!" Sagot ng aktres.

Paliwanag ng aktres sa Sarap, 'Di Ba?, "Date ko siya noong GMA Gala this year. Walang anything, something between us."

Ayon sa aktres, naging date niya ito dahil itinanong ni co-actor kung gusto raw ba niyang maka-date ang kapatid nito sa GMA Gala 2023.

Sagot daw ng aktres kay co-actor, "Sige, okay lang naman. Wala namang problema."

Inilahad din ng aktres na nagkasama pa sila ng co-actor, asawa ni co-actor, at kapatid nito sa isang coffee shop para mag-bonding bago ang GMA Gala.

Kuwento pa ni aktres, "Basta ako, masaya ako. Masaya 'yung heart ko. 'Yun lang ang masasabi ko."

Panoorin kung sino siya at alamin ang kanyang mga kuwento rito:

Samantala, balikan ang celebrity couples at Kapuso love teams sa GMA Gala 2023: