
All's well that ends well ang naging relasyon ng kilalang showbiz couple na mag-asawa na ngayon.
Masaklap ang kanilang naging breakup noon pero nagkabalikan din dahil sa kanilang pagmamahal sa isa't isa.
Dahil mga bata pa sila noon, inamin ng babae na isang aktres na may pagkaseloso ang kanyang nobyo na isa ring mahusay na artista.
Naging protective ang nasabing nobyo sa aktres kaya pinagbawalan siya nitong magsuot ng sleeveless at maikling shorts noong nagsisimula pa lang sila bilang mag-girlfriend at boyfriend.
Sa ngayon, pareho na silang nag-mature lalo na at kasal na sila at may mga anak na.
Ayon sa aktres, confident na sila at wala nang nakakaramdam ng selos dahil may tiwala na sila sa isa't isa. Wala rin daw silang taguan ng telepono at alam ang passcode ng isa't isa.
Sa katunayan, isa sila sa mga celebrity couple na tinitingala dahil sa kanilang inspiring modern family setup.
Kilalanin kung sino ang aming tinutukoy sa video na ito mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel.