
Isang aktres na may ginawa sa taping ang latest na chika sa Hula Who.
Ayon sa latest and hottest tsismis ng "Salon De Chika" sa TiktoClock, "May kilala akong isang bonggang aktres; ang tsismis, naeskandalo raw sa kanya ang staff noong mag-guest siya sa isang show."
Saad pa sa tsismis na ito, "Kasi lutang daw siya noong araw na 'yun. Ngarag na ngarag daw."
Ipinakita sa skit ng "Salon De Chika" na hinahanap ng aktres ang kanyang underwear ngunit hindi niya ito makita. Sa pagbisita ng staff sa kaniyang dressing room, nahanap nila ang nawawalang underwear ni aktres at nadiskubreng sumabak siya sa taping na wala ito.
"Preskong-presko si actress ha? Nag-taping siya ng show na walang suot na underwear."
Para sa clue, "Sa pangalan niya may letrang M, as in mahangin at presko at fresh na fresh si mama."
Kilalanin si aktres dito:
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.