
Be careful kung sino ang iniidolo n'yo because looks can be deceiving!
Ito ang paalala ng isang fashion icon at host nang mag-guest sa isang podcast. At dito, may blind item siya tungkol sa mga basher niya.
Ikinuwento niya sa vodcast ang "not so pretty" encounter sa isang grupong pinatamaan siya tungkol sa kaniyang OOTD.
Lahad ng sikat na host, “Sometimes, ito siguro sometimes 'yung pinakamukhang 'yung parang they are so supportive with another or their like girl power eme, eme na mga girls.
“Sila pa 'yung pinakamasama sa lahat.”
Sumunod niyang kuwento, “I remember one time and this is already like not very far ago, sila rin 'yung mga nanlalait sa akin ngayon, nilalait nila ako. I don't know why?”
“I stepped out and then one of them said, 'Oh I love your dress! It's on sale right?'”
“'Tapos nagtatawanan sila. First and foremost, ano'ng problema na sale?” pagtataka ng fashion royalty sa naging komento tungkol sa kaniyang OOTD.
“'Yung blind item ko is more of like, a lesson also that you really have to decipher who you look up to on social media. And if it is too good to be true, most of the time it's not true.”
Dagdag niya, “And usually kung sino pa 'yung madadada na parang trying to be one with people 'yun 'yung actually totoong bully, because they are not that in person.”
Sino-sino kaya itong tinutukoy ng popular actress sa ating Hula Who?