
Napag-interesan ng isang aktres ang props na prutas sa set ng kanilang teleserye.
Matapos kasing i-shoot ang isang eksena kung saan kumakain sila ng kanyang co-star ng prutas, naghinayang sa 'di naubos na pagkain ang aktres.
"Pero sayang, masarap siya," sabi niya sa staff na kukunin na sana ang prutas para makapagpunas na ang aktres ng kanyang mukha na nahawaan ng may kulay na katas.
Pinuri pa ng aktres ang naghanda ng prutas dahil masarap ito kaya hindi na siya nahirapan sa kanyang eksena.
"Thank you, guys, masarap ha! Kung sino man ang bumili, maraming salamat," sambit niya.
Dahil may ilan pang natitirang prutas sa basket na ginamit din sa eksena, minarapat ng staff na ibigay ito sa aktres.
Masaya naman niya itong tinaggap at humiling pa ng additional request sa mga ito.
"Mayroon namang hiwaan doon, eh no? Pero puwede ring hiwaiin mo na lang, sige. Matutuwa ako kung hihiwain mo na, beh, para igaganon ko na lang. Salamat po, brother. Pasensiya na, pa-spoiled lang ha? Thank you po!" aniya.
Malambing naman ang request ng aktres sa staff kaya wala itong problema sa kanila.
Kilalanin ang aktres na tinutukoy namin sa video na ito: