
Past is past at growing stronger ang aktres at isang aktor na naging special guest sa isang vodcast.
Sa naging pagbisita nila sa viral podcast, naikuwento ng showbiz couple ang pinagdaanan ng kanilang 10-year relationship.
Nagbalik-tanaw rin ang pretty actress tungkol sa pinagselosan niyang babae na ka-love team ng boyfriend niya sa isang sikat na sitcom.
Pag-amin nito sa mga podcast host na nagselos talaga siya. Aniya, "Oo kasi magka-love team kayo."
Sumunod na kuwento niya, "As in super saglit lang. Siyempre nung bago pa lang kami may selos, puppy selos.”
"I can say it, kasi talagang saglit lang talaga siya. Hindi ko siya binig-deal kumbaga.”
Sino ang tinutukoy ng female showbiz personality sa ating Hula Who for the day?