
Walang preno na umamin ang isang award-winning actress at politician sa isa niyang vlog na hindi siya mahilig sa showbiz events.
Ang naturang celebrity mom na tampok sa ating Hula Who? ay nagbigay ng mini house tour para sa kanyang fans at subscribers sa YouTube.
Lahad ng versatile TV-movie star, alam ng mga ka-close niya na tulad ng simpleng style ng kanyang bahay, mas gusto niyang manahimik sa kanyang tahanan kung wala siyang trabaho kaysa rumampa sa showbiz events.
Paliwanag niya, “Gusto ko talaga sobrang simple lang ng bahay ko, and naniniwala ako na kapag malinis lang and maaliwas lang tingnan ang isang bahay, nagpi-fit 'yun sa character ko.
“Kasi as a person talaga, simple lang naman talaga ako. Hindi ako maarte and kung dun sa mga nakakakilala sa akin, ako yata 'yung artista na hindi ako mahilig talaga sa mga rampa, rampa. Ayoko ng mga showbiz events.
“So, gusto ko talaga mostly pagka wala ako trabaho, nasa bahay lang ako.”
Alamin kung sino ang seasoned actress na ito sa video below:
RELATED CONTENT: