GMA Logo Award winning actress in Hula Who
What's on TV

Hula Who: Award-winning actress, kailangan pang pagbantaan para dumalo sa awards nights?

By Kristian Eric Javier
Published December 20, 2024 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Award winning actress in Hula Who


Si award-winning actress, nasabihan pa si batikang direktor na kunin na lang ang award sa events para sa kaniya.

Magbabalik pelikula ang isang award-winning actress matapos ang halos 20 taon na pananahimik sa ibang bansa.

Ngunit kahit marami nang natanggap na awards para sa kanyang trabaho sa mundo ng pelikula at telebisyon, inamin ni award-winning actress na hindi siya interesadong dumalo sa naturang events.

Sa isang TV interview ni award-winning actress ay sinabi niyang hindi siya dumadalo sa awards nights “kung makakalusot.”

Kuwento pa niya, umabot pa sa pagbabanta ni batikang direktor sa kaniya para lang dumalo siya sa mga awards night.

“'Okay, we'll put it in your contract: you must attend blah, blah, blah,' pag-alala ni actress sa sinasabi sa kaniya ng dating direktor.

Pagpapatuloy pa ng award-winning actress, tatawagan na lang umano siya ng batikang direktor para lang sabihin at kulitin siyang dumalo sa nasabing events.

Ngunit ang sagot niya, “Why? Never mind na lang, just get the trophy for me.”

Kilalanin kung sino ang award-winning actress na ito dito: