
May mainit-init na "tea" ang isang award-winning actress tungkol sa dati niyang katrabaho na bida natin sa Hula Who for today.
Natanong ang mahusay na aktres na ito ng isang male vodcast host ng “Sino ang artista ayaw mo na makatrabaho?”
Hindi nagdalawang isip ang female showbiz personality na ibulong sa mga host ang sagot niya.
Paliwanag niya sa ni-reveal niya sa "Executive Whisper": “Pero, guys para lang malinaw, hindi lang siya! Madami pa.”
“Minsan hindi dahil may nangyari sa aming gulo, nakita mo lang 'yung ang hirap niya katrabaho! Ang dami mo kailangang i-adjust."
Sabay hirit ng aktres, “Hindi ito tungkol sa 'yo! Ayaw kitang ka-work, hindi ko kaya, mahal kita pero hindi kita kayang ka-work, may ganun. May mga ganun.”
Matinik ba kayo sa panghuhula, mga Kapuso? Balikan ang Hula Who revelation ng award-winning actress sa video below!
RELATED CONTENT: Mga artistang magkaaway noon, nagkabati na ngayon