
Isang batikang aktres na nahirapan sa eksena ang bagong papahulaan sa Hula Who.
Sa chikang ito sinabing naimbyerna ang direktor kay batikang aktres.
Saad sa "Salon De Chika" ng TiktoClock, "May kilala akong isang batikang aktres, ang chika, imbyerna raw sa kaniya ang isang direktor dahil pinaulit-ulit sa kaniya ang isang eksena.
Ayon pa sa chika, "Crying scene ang eksena pero hindi raw kasi makita ng direktor ang emosyon sa mukha ng batikang aktres."
Ipinakita naman sa skit sa TiktoClock, na hirap na hirap si batikang aktres at hindi maipakita ang emosyon sa eksena kaya naman napagsabihan siya ng direktor sa set.
Saad pa sa chikang ito, "Ang ending kailangan pa raw lagyan ng mga eyedrops at malalamig para lumuha at mukhang legit ang kaniyang iyak."
Para sa clue, "Ang pangalan niya may letrang R. Dahil parang robot daw ang eksena nitong batikang aktres."
Kilalanin si batikang aktres dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.
Related gallery: Kapuso actors to star in MMFF 2025 movies