
Isang beautiful actress na may itinatago sa likod ng camera ang bagong pinag-usapan sa Hula Who.
Ito ang pinakabagong topic sa Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May kilala ako, may isang beautiful actress, ang chika, sa harap ng camera angel ang peg niya, pero sabi ng staff, sa likod ng camera may pagka-Devil Wears Prada ang mga eksena."
Dugtong pa sa chikang ito, "Kasi nga patience is not her virtue."
"Kapag na imbyerna siya, ang PA (personal assistant) daw ang laging biktima."
Ipinakita sa skit ng Salon De Chika kung paano ibinuhos ni beautiful actress ang kanyang galit at gigil sa kanyang PA.
Saad sa Salon De Chika, "Kawawa naman daw si personal assistant, ginagawa niya lang yung trabaho niya kasi akala niya eksena na. Pinagalitan si PA."
Para sa clue ng latest chika na ito, "Sa pangalan niya ay may letrang A, as in 'atechona.' Dahil ang beautiful actress, 'atechona' raw sa real life."
Hulaan kung sino si Beautiful Actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.