
Isang beauty queen actress ang napabalitang demanding daw sa isang event.
Ayon sa segment ng TiktoClock na Sikreto ng mga Borta, "May nalaman akong isang sikreto tungkol kay beauty queen actress. Ang tsismis, hindi na raw ito makakalimutan noong nag-guest siya sa isang probinsya."
Dugtong pa si chikang ito, "Ang daming demands daw ni beauty queen sa isang event. Ang daming hanash."
Ipinakita sa skit ang mga ginawang demands ni beauty queen, kabilang na ang pag-request ng room ni mayor at ang reaksyon ng staff sa nasabing event.
"After pa raw ng event, iniwan pa nilang magulo 'yung room ni mayor na ginamit nila."
Para sa clue, "Kilalang-kilala ninyo, sa pangalan niya ay may letrang A. As in ayaw na sa kaniya ng organizer."
Kilalanin si demanding na beauty queen actress dito: