
Inamin ng beauty queen na dati na niyang nasubukang matulog sa kalye para lang makapag-audition.
Kuwento ni beauty queen, bata pa lang siya ay sinubukan na niya ang kaniyang kapalaran sa showbiz sa pamamagitan ng pag-audition. Saad ni beauty queen at trainer, pitong taong gulang pa lamang siya naranasan niya nang matulog sa kalsada.
"I think seven years old ako nito. Kami ni mama mahilig kami mag-audition talaga. Dati kasi kailangan mo talagang pumila sa mga audition."
Inilahad pa ni beauty queen na bukod sa mahabang pila, bumibiyahe pa sila mula Olongapo hanggang Maynila para lang makapag-audition.
Ani beauty queen, "Babiyahe kami mula Olongapo, pupunta kaming Maynila para mag-audition. Noon kasi mas mahaba pa 'yung biyahe 'tapos commute talaga. Pagdating sa audition kailangan makipag-unahan kayo sa pila."
Binalikan pa ni beauty queen na noong nasa pila na silang mag-ina, naghanap na sila ng karton para maupuan at matulugan.
"Para hindi ka mawala sa number mo, kailangan doon ka na nakaupo. Humahanap kami ng karton tapos doon na kami natutulog."
Kilalanin kung sino si beauty queen dito: