
Palaban ang isang sikat na beauty queen at promising TV host nang sumalang sa isang podcast show na ipinalabas nitong Sabado dahil may isang content creator daw na “game” siyang patulan.
Tanong sa kaniya ng male podcast host, “Sa mga content creators na nakaka-trigger, sino-sino ang mga papatulan mo?”
Napa-hirit bigla ang female co-host niya na ipagdadasal daw siya nito bago niya sagutin ang controversial question.
Hirit naman ng viral beauty queen, “Kasi feeling ko 'pag lumabas 'to, kinabukasan may video na ako. Parang kino-call out ko si Joy Barcoma.”
Matapos ang ilang sandal, binulong na niya sa mga podcaster ang social media personality na hindi niya bet.
Sabay paliwanag ng budding TV host, “Hindi ko siya bet, kasi lagi niya ina-antagonize ang mga member ng LGBTQIA+ community.”
“And I don't like that kasi may mga kapatid ako, may mga kaibigan ako na members of that community. So, ayoko sa mga taong hindi sila tanggap.”
Mahulaan n'yo kaya ang content creator na ito? Talasan ang isipan at galingan sa pag-decode ng ating Hula Who for the day sa video below.
RELATED GALLERY: Meet the viral 'jusa' Joy Barcoma