
Naging mainit na usapin noon ang pagkakaroon ng love teams at kung papaano nakakahon ang ilang Pinoy celebrities sa mga naturang partnership. Kaya naman, isang beteranang aktres ang umamin na hindi siya naging masaya sa kaniyang mga ka-loveteam.
Sa isang GMA Afternoon Prime talk show kamakailan kung saan nag-guest si beteranang aktres, ibinahagi niya at ng kaniyang co-guest ang pinakamalaking kasinungalingan sa kaniyang buhay.
“'Yung mga love teams natin noon, may mga guys ako na kasama noon na hindi ko naman feel, (na maging love team), hindi ko naman crush, parang hindi ako inspired to be love-teamed with [them],” sabi ng beteranang aktres.
Pagpapatuloy niya, kinailangan nilang magpanggap na in-love sila sa isa't isa kahit hindi naman talaga. Sa katunayan, meron pa nga siyang nakaka-love team na hindi talaga nila gusto ang isa't isa, pero kailangan nilang gawin dahil parte iyon ng kanilang trabaho.
“Pero nag hirap, bordering on hate mo na nga, inis na inis akong kasama,” pag-amin ni beteranang aktres.
Sino kaya ang beteranang aktres na ito? Nahulaan n'yo na ba, mga Kapuso? Panoorin ang panayam na ito para malaman kung sino: