GMA Logo Hula Who Beteranong Aktor Ayaw Magkontrabida
What's on TV

HULA WHO: Beteranong aktor, umayaw sa kontrabida roles

By Kristine Kang
Published October 6, 2025 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No jackpot winners for April 26 major lotto draws
PSA: Davao region maintains largest economy in Mindanao
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who Beteranong Aktor Ayaw Magkontrabida


Bakit kaya ayaw nitong award-winning actor na ito ang tumanggap ng kontrabida roles?

Maraming artista ang sumikat dahil sa kanilang versatile acting skills sa mundo ng entertainment.

Mapa-bida o kontrabida, mahusay nilang nabibigyang-buhay ang kanilang mga karakter na may mga kuwentong nagpaparamdam ng matinding emosyon sa mga manonood.

Pero may isang beteranong aktor na umamin na naiiba ang kanyang pananaw kumpara sa karamihan.

Sa isang panayam kasama si Aiko Melendez, ibinahagi ng isang award-winning film star na dumating ang panahon na inayawan niya ang pagganap bilang kontrabida.

"There was a time, I will not accept any evil characters," aniya.

"I know myself when I go into it, I go into it... and it's dangerous for me. So I'd rather not."

Sumang-ayon din ang movie star na nakakaubos din ng enerhiya ang pagganap sa ganitong klase ng mga papel.

Katulad nga ng kanyang ginampanan sa isang 2008 horror drama movie, iba ang kanyang diskarte sa pagganap ng kanyang karakter.

"I look at it as a drug addiction. In a way so I could have well in a way it's the ending that's the same," dagdag pa ng aktor.

Alamin kung sino ang beteranong aktor sa video na ito.

IN PHOTOS: Mga kontrabidang naging bida