GMA Logo hula who
AI Generated Image
What's on TV

Hula Who: Big-time actress, big-time sa pagiging diva?

Published May 30, 2026 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Councilor shot dead as BARMM election period begins
Foreign Exchange Rate as of July 17, 2026 | Balitang Bisdak
Spend Your Weekends with Filipino Blockbusters on GMA Pinoy TV via OSN

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Hulaan kung sino ang big-time actress at bakit umiilag ang ilang staff sa kanya.

Ang bagong huhulaan sa Hula Who ay isang big-time actress, big-time rin daw sa pagiging attitude.

Kuwento sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng Tiktoclock: "May nalaman akong sikreto tungkol kay big-time actress. Ang tsismis, big-time diva rin daw pala ito."

Dagdag pa rito, "Kasi nga, kinuha raw siyang artista para sa isang commercial pero ang daming demands ng lola mo."

Sa inihandang skit sa TiktoClock ay ipinakita kung paano nag-effort ang staff para sa pagdating ng big-time actress. Kaso, si big-time actress naman ang gustong mag-briefing na lang daw sa van kaysa sa tent.

"Si big time actress, more diva, more attitude. Sino ba 'yan?"

Para sa clue tungkol kay big-time actress, "Sa pangalan niya may letrang N, as in no thank you. Dahil minsan daw nagno-no at nagba-backout ang staff 'pag nalaman na siya ang artista."

Kilalanin si big-time actress dito:

Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.