GMA Logo hula who
What's on TV

Hula Who: Celebrity best friends, nag-away sa tinaguriang 'happiest place on Earth'

By Kristian Eric Javier
Published October 16, 2025 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sends off over 2,000 cops for 2026 ASEAN meet in Central Visayas
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Nauwi sa sagutan ang bonding dapat sana ng dalawang celebrity friends habang nasa 'Happiest place on Earth.' Alamin ang kuwento rito:

Tinagurian bilang “happiest place on Earth” ang themepark na Disneyland. Pero para sa dalawang magkaibigang aktres, hindi nila ito na-enjoy dahil sa away nila habang nandodoon.

Sa isang afternoon talk show, inamin ni soon-to-be mom-comedienne na minsan ay taklesa siya kung magsalita. Aniya, hindi niya minsan naiisip na iba ang dating ng sinasabi niya sa ibang tao, at nilinaw na wala siyang intensyon na makasakit ng damdamin.

Kuwento niya, noong nasa Hong Kong sila ng kaibigang aktres para sa isang show, bumisita rin sila sa Disneyland para mag-enjoy. Habang nasa galaan, may nasabi siyang hindi kagandahan sa kaibigan.

“Sabi ko, 'Hala, you're such a kiss-ass.' ganu'n ako. 'Tapos biglang nakita ko siya, nag-red siya. Paakyat kami ng escalator nu'n,” pagbabahagi ni soon-to-be-mom.

Galit daw na sumagot sa kanya ang actress-entrepreneur niyang kaibigan dahil nasaktan ito sa sinabi niya.

Sumingit ang isa pa nilang comedienne friend, na nagsabing ramdam ng direktor na kasama nila noon ang awkwardness dahil sa pagtatalo ng dalawa.

Dahil dito, sabi ng actress entrepreneur, hindi nila na-enjoy ang Disneyland, bagay na ikinalungkot ng soon-to-be mom comedienne dahil first time lang niya noon sa naturang theme park.

Natatawang sambit ng kanilang comedienne friend, “Hindi n'yo ginalang 'yung lugar! 'Happiest place on Earth' 'yun!”

Kilala n'yo na ba sila? Alamin sa video na ito: