
Mas matindi pa sa init ng summer ang stress at pagka-imbyerna na inabot ng isang content creator at budding actress sa isang co-star niya sa pelikula.
Tampok sa Hula Who for the day ang panayam ng isang social media star sa podcast show ni AC Soriano na 'AC Vs. The World' kung saan na-reveal ng guest niya ang masamang ugali ng isang aktres habang nagsho-shoot sila ng pelikula.
Bungad ng guest sa pa-blind item niya, “Pelikula namin siya last year. My God! Ugali! Malala!
“Alam mo ito ha, kasi siyempre sa set hindi kami maguusap-usap ng mga artista about her. Pero, kasi siya 'yung pinaka-attitude sa lahat!”
Tumatak din ayon sa social media personality ang pagbabalibag ng pinto ng 'ate chona' na aktres.
Pagbabalik-tanaw niya, “May one time, binagsakan niya kami ng pinto, ganun. Nire-reset kasi 'yung pinto isasarado, tapos take two bubuksan uli, 'tapos isasara uli. So, kapag sinasara niya kasi ire-reset binabalibag niya. Tapos, sinasabihan siya ng jowa niya, 'Uy, huwag mo ibalibag!'
“Minsan 'pag sinasabihan mo na: 'line read naman tayo' Titignan ka lang mula ulo hanggang paa, kebs siya.
“Siyempre, natapos 'yung film, 'yung mga co-stars namin nagkita-kita kami. 'Tapos, pinagusapan namin, 'Ano ka ba ganiyan-ganiyan, may ikuwentro ba kayo ni ganito, ganiyan?'
“Sabi niya, 'Oo! Alam mo ba ganito, ganiyan 'yung ginagawa niya?'
“Labasan na kami, dai! Tapos, apparently nakakaloka, lahat pala kami ng cast mates niya, co-stars niya imbyerna sa kaniya.”
Alamin ang nakaka-imbyerna na aktres na tapok sa Hula Who:
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now