
Usap-usapan sa social media ang trailer ng isang bagong pelikula na aabangan sa isang prestihiyosong film festival bago matapos ang taon.
Napasabak sa drama ang dalawang bida nito na kilala sa pagiging mahuhusay na aktor sa telebisyon.
Maraming eksena ang dalawa sa nasabing on-screen project pero sa likod ng kamera, walang naging masyadong interaksyon ang dalawa.
Sa isang TV interview, inamin ni Bida 1 na hindi sila masyadong nag-usap ni Bida 2 sa set ng pelikula.
Aniya, hindi dahil sa may hidwaan sila ng kasamahan niyang aktor, na higit na mas matagal na sa kanya sa industriya.
Paliwanag niya, proseso niya ito para mabilis na makapasok sa kanyang role sa pelikula dahil may pagkaseryoso ang kanyang karakter.
Paglilinaw pa ni Bida 1, walang nangyaring pataasan ng ihi dahil hindi siya nakikipagkumpitensya sa kahit sinong tao. Sa katunayan, iinidolo at nirerespeto niya si Bida 2 na napapanood ngayon bilang magaling na kontrabida sa isang teleserye.
Grateful lang daw siya na ginagawa niya ang kanyang trabaho, na isa sa mga malalaking blessing niya ngayong 2024.
Kilalanin kung sino ang aming tinutukoy sa video na ito: